Sunday, August 31, 2008

Mahirap talaga pag hindi nagkakaintindihan ang mga tao. Ayon nga sa iba, "communication is the key to a good relationship". Tama nga ito dahil paano pa magkakaroon ng pag-uunawa sa isa't-isa.

Nakakalungkot dahil ang mga taong mahahalaga ang siyang wala pang komyunikasyon sa akin. Oo, nakakasama ko naman sila sa araw-araw ko ngunit ewan ko ba. Ewan ko ba kung bakit hindi talaga kami nagkakaintindihan. Ang "language barrier" ba ang dahilan nito? Hindi naman magkalayo ang tunog ng aming kasanayang lengwahe. Nakaka-intindi naman sila sa aking dialekto, hindi lang sila sanay kaya minsan nagkakalabuan sa tunay na ipinahihiwatig.

[EDIT] May 6, 2009
I saw this sa drafts... When was this and who was I talking about??? I can't remember na!!! Bwahahaha!!!

No comments: