
Saturday, October 24, 2009
Magkano mo nakuha ang iyong 4.0?

Sunday, October 18, 2009
Panimula

Si Robin.

Si BATMAN ang tagapagligtas.
Si BATMAN ang pinakamagaling.
Si BATMAN ang pinakamatalino.
Si BATMAN ang HERO!
Si BATMAN ang BIDA!
Kung sobrang galing ni BATMAN, para saan pa si ROBIN?
Ayon sa aking propesor, kaya lamang ginawa si Robin ay para mayroong makokompara kay Batman. Hindi naman natin masasabing "pinaka" si Batman kung hindi ito maihahambing sa mas "mababa" sa kanya. Kapag magkakamali si Robin, nandiyan si Batman upang tamain ito. At dahil diyan, may basehan na sa pagsabi sa pagiging "pinaka" ni Batman sapagkat natalo na nito si Robin.
Kung si Robin papalitan at gagawing Superman, mapapansin pa rin kaya si Batman? Malamang hindi na. Pantay na lamang ang tingin sa dalawa at wala nang "mas" o "pinaka". Ordinaryo na lamang silang dalawa. Ngunit kung ihahambing naman kay Robin, parang MAS nagiging bida pa nga si Batman.
Sa kabilang banda, kung si Robin ang ihahambing kay Batman, masasabing sobrang hina at baba niya. Mababalewala ang kagalingan ni Robin sapagkat naikumpara na siya sa kilala nang magaling.
Naawa ako kay Robin sapagkat mababa ang tingin ng mga tao sakanya. Kahit gaano siya kagaling, hindi pa rin ito makikita sapagkat si Batman pa rin ang bida at inaasahang maging "MAS" o "PINAKA".
Haayy... May karapatan din naman si Robin maging bida...
Haayy ganyan lang talaga siguro ang buhay. Minsan, may mga kapatid o kaibigan tayong nabibida o nagpapabida palagi. Na kahit ilang beses mo nang pilitin maging bida sa sarili mong buhay, pilit pa rin nilang gawin kang sidekick na lamang. Minsan naman, sinasadya mo nang magpatalo upang maging masaya si Batman... pero... *sighs* nakakapagod na rin ito.
*****
Ako ba ang iyong Robin? Ginagamit mo lamang ba ako upang maging "MAS" at "PINAKA" ka o guni-guni ko lamang ito?
Wala lang... Ingat-ingat lang sa mga pinagsasabi. Baka hindi mo na namamalayan pero lumalaki na masyado ang ulo mo. Masaya ako sapagkat masaya ka ngayon dahil marami kang kaibigang nagmamahal sayo o dahil marami kang nakukuhang oportunidad na alam nating lahat na hinding-hindi ko makukuha. Kaibigan, masaya ako para sayo at alam kong gusto mo rin akong maging masaya ngunit isipin mo na magka-iba tayong tao. Magka-iba ang ating mga hilig. Oo dati, parehas ang ating mga hilig ngunit tumanda na tayo. Nagbago ka na at gayundin, nagbago na rin ako. Ang tanging hiling ko lamang ay maging masaya ka na lamang para sa akin at sana tanggapin mo ang mga desisyon ko sa aking buhay. Hindi nakakatulong ang pagpintas o pagbibiro sa mga bagay na mahalaga sa akin ngayon. Ayun lang.
Bato-bato sa langit, ang tamaan 'wag magalit... :)
Reality check lang po... Hihihi... :P
Thursday, October 15, 2009
Is this a sign?

Tuesday, September 29, 2009
This is a 90210 rant (Yes, I know it's 4am.. I can't sleep.. This is all I could think about...) *sighs*

Wednesday, September 09, 2009
New Term Resolution

Nakakalungkot isipin sapagkat nakakuha ako ng mga mabababang marka para sa terminong ito. Para sa susunod na termino, determinado akong mabawi ang kalunos-lunos na sinapit ng aking acads.
Sunday, July 05, 2009
Paalam sweetdyman!

sweetdyman is annoyed
Tuesday, June 16, 2009
Kakainin na ako ng deadline!

Nandito ako ngayon sa University Library. Inaasikaso ko ngayon ang aking drafts. Kakatapos ko lamang i-revise ang isa kong draft at ngayon, tinatamad na ako simulan ang isa ko pa. Haayy... Dapat noong isang linggo ko pa ito ipinasa ngunit masyado akong nag-procrastinate. Ayan tuloy, kakainin na ako ng deadline!