Heto nanaman ako muli, walang silbing liniliban ang mga gawain. Ni-isa wala pa rin akong natatapos. Ngunit, heto nanaman ako, mas binibigyan importansya ang paggawa ng walang kwentang blog. Gagawa na nga lang ako ng listahan ng lahat ng kaylangan kong gawin. Ito na iyon:
1. FILDLAR final video- Sa katunayan, tapos na sana ito ngunit may mga bahagi ito na pinapalitan ng aking guro. Pinapadagdagan pa niya ang mga video footage namin. Hay, bukas ko pa ito magagawa kasama ang aking mga group mates.
2. ENGLRES final paper- Sa Biyernes pa ang huling araw ng takda. Tapos na rin sana kami ng aking partner gumawa ngunit may mga rebisyon pang kaylangan ayusin. Madali lang sana ito ngunit kinakailangan pang magriserts. Mahaba-haba pa ang gawain para dito. Madami rin kaming kulang daw katulad ng table of contents at sangunian namin. ENGLSTRESS nga naman-- or katamaran? hahaha! (Note to self: SIMULAN NA ANG PAGGAWA!!)
3. TREDTWO final paper- Sa Biyernes ko pa ito ipapasa. Tapos ko na ito gawin ngunit hindi pa ako satisfied sa aking gawa kaya hahabaan ko pa ito. Nakakatamad ito gawin kasi, sa katunayan, piniga ko na lahat ng nakakakaya ko upang matapos lang ito, ngunit kulang pa rin ata eh. Determinado akong magka-4.0 sa asignaturang ito. hahahaha ASA BA? =))
4. CRITHIN exam- Nanganganib ako dito. Kaylangan ko talaga mag-aral. Tungkol sa Informal Fallacies ang pagsusulit. Hindi pa ito natuturo sa amin sa kadahilanan ng pagsuspend ng mga klase noong nakaraang linggo kaya hindi kami nabigyan ng oras upang talakayin ang paksang ito. Well, swerte na siguro ako dahil napag-aralan ko na ito noong 3rd year hayskul pa ako. Medyo pamilyar naman ang mga latin names ng fallacies kaya parang review nalang ito para sa akin. Naku po! Angat pa ako sa lagay na ito! Naku! Sana nga magamit ko ang mga natutunan ko noon!
Well, yan lang naman ang mga kinakailangan ko. Alam ko wala na akong karapatang magreklamo dahil ang iba sangkatutak ang kanilang pagsusulit at mga proyekto. Konti lang yan kompara sa iba. KAYA HINDI AKO MAGREREKLAMO. :P Magpasalamat nalang ako na 15units lang ako sa terminong ito kaya madali lang ang buhay ko-- SA NGAYON. hahaha! Good luck nalang sa akin sa susunod na termino! hahaha!
love,
mandeh
Tuesday, August 26, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment