
(Photo taken at Calatagan, Batangas some time last year)
Matapos ang ilang buwan, naisipan kong palitan ang layout ng blog ko na 'to. Hindi naman ako nagsawa sa luma kong layout. Sa katunayan, napilitan lamang ako sapagkat, ayon sa Blogger, kinakailangang palitan ang layout upang ma-upgrade ang aking blog. Ako'y nagdalawang-isip kung i-u-upgrade ko nga ba ito o iiwan ko na lamang ganoon. Matagal kong pinag-isipan ito at nanaig ang aking pagnanais ng pagbabago para sa aking blog.
Ngayon, hindi naman ako nagsisi sa aking desisyon. Marami pala akong features na hindi nagamit at na-maximize sa luma kong layout. Aaminin ko, mas maganda pa rin ang desenyo ng luma kong layout ngunit sayang naman ang ilang features tulad ng comment at follow option, na sa tingin ko, mas mahalaga. Hahaha!
Sabay sa aking pagpapalit ng layout, naisipan ko ring burahin ang ilan sa aking mga post. Hindi naman sa kinakahiya ko ang mga ito, ngunit may ilang mga bagay na kailangan nang itanim at huwag na lamang balikan. Oo, marami tayong natutunan sa ating mga pagkakamali sa ating nakaraan ngunit hindi naman natin kinakailangang balik-balikan ang mga 'to.
*****
"One reason God created time was so that there would be a place to bury the failures of the past."
*****
Heto nanaman, simula ng bagong kabanata ng aking buhay.
No comments:
Post a Comment