Wednesday, September 09, 2009

New Term Resolution


Nakakalungkot isipin sapagkat nakakuha ako ng mga mabababang marka para sa terminong ito. Para sa susunod na termino, determinado akong mabawi ang kalunos-lunos na sinapit ng aking acads.

Ito ay ilan sa aking nilistang gabay upang makakuha ng matataas na marka sa susunod na termino:
1. Umuwi ng maaga. Bawal nang tumambay sa school. Pagkatapos ng klase, diretso bahay.
2. Matulog ng maaga. Tapusin ka-agad ang lahat ng trabaho upang hindi abutin ng madaling araw.
3. Bawal nang maglaro ng Pet Society, Restaurant City o Country Stories. Maaaring mag-plurk, pero pang-maintain lang ng karma.
4. Iwasan ang pagpasok tuwing Biyernes. Kung kaya gawin ang trabaho sa bahay, 'wag na pumasok. Aksaya lamang iyon ng gas at effort. Friday is homework/ drafts time.
5. "Idle time is never a good time." I should keep myself busy. No slacking off allowed!

Well, 'yun pa lang naman naiisip ako. Basta ACADS ang number 1 priority ko. Bahala na social life ko. As for my friends, I know they will understand kahit na magpapaka-cave man muna ako ng isang termino.

I also promise to do my *job*. Sisimulan ko na nga ngayong bakasyon para hindi na abala pagdating ng pasukin. *wink*

'Yun lang naman. Bawal na magka-love life!!! Sobrang sagabal 'yun sa acads at org!!! LOVE YOURSELF 1ST BEFORE LOVING OTHERS! :D TIIS-TIIS LANG. SANA HINDI MA-TEMPT! :) KUNG SIYA TALAGA ANG PARA SA AKIN, MAGHIHINTAY SIYA HANGGANG SA TINGIN KO STABLE NA AKO. :P

'Yun lang. Sana matupad ko lahat 'yan. :S

No comments: