
Nandito ako ngayon sa University Library. Inaasikaso ko ngayon ang aking drafts. Kakatapos ko lamang i-revise ang isa kong draft at ngayon, tinatamad na ako simulan ang isa ko pa. Haayy... Dapat noong isang linggo ko pa ito ipinasa ngunit masyado akong nag-procrastinate. Ayan tuloy, kakainin na ako ng deadline!
Ewan ko ba. Ngayong buwan lamang ako nagkaganito. Aminado ako, ilang beses na akong late magpasa ng draft noon pero ngayon siguro exagge na..... kasi bukas na ang deadline ko pero hindi pa rin ako nakakaramdam ng panic! Ahahaha! Ewan ko talaga. Nawalan na ako ng gana. Kagaya ngayon, sa halip na tapusin ko ang isa ko pang draft, mas pinili ko pang magsulat sa walang kwentang blog na ito. Haayy...
No comments:
Post a Comment